Guys, kanina nakakatawa tatay ko.

Pano kasi kanina nagpunta kami sa Topico pagkatas magsimba ng 12 para magpakuha ng family picture.

E di sobrang vain mode kaming lahat, make-up mode, etc.

Pinalagyan ko si Papa ng lip gloss na cherry sabi ko hindi naman yan halata para lang magkakulay nang konti yung bibig niya.

De sumunod naman siya, nagpunta siya sa mirror na gigantic para mag-lip gloss (sa harap ng mga susunod na magpapakuha ng picture).

Pagkatapos ng ilang minuto, sinabihan ko si Mama na lagyan ng foundation si Papa para di masyadong mahalata yung facial lines niya from smoking. E di lumapit na si Papa kasi narinig niya un.

E sobrang mabusisi ako sa paglagay, sabi ko lagyan sa batok, sa tenga, sa iba pang parte… tapos mag-iisang minuto na tapos sabi ng tatay ko na pairita, “Pota.

"Ngayon lang ako nag-make-up nang ganto sa buong buhay ko."

Wala lang, haha. Tumawa lang kami nang wagas ng nanay ko. =))))))))))

#personal
2 notes

  1. bams-boleyn said: Nyahahahaha your da said a bad word!
  2. bottomlessrhapsody posted this
Home Ask Archive Credit « back next »
Vanity and Greed
Design by Athenability
Powered by Tumblr